Friday, August 5, 2011

PasikBlogan #5: Ang Karangalan ng Pilipinas sa Social Media

PasikBlogan Challenge #5: A Different Tongue

Blog in a language/dialect that you typically don't blog in.
If you typically blog in English, now blog in Filipino (or your own dialect). Kung karaniwan kang mag-blog sa Filipino, gumamit ka ng Ingles o Cebuano.

Naawatam? Quamo mi paqueman? Anggapo la. Jaaaavid! ;-)



-----------------------------------------------------


Pinili kong mag-blog tungkol sa pasksang ito dahil sa kanyang pagka-angkop sa itinakdang madlang babasa nito.


Simula nang nailabas ang Google+ ng higit kumulang na ilang linggong nakaraan, ang paglago nito sa 24 milyong gumagamit sa buong mundo ay isang di pangkaraniwang pangyayari, lalo na't kung ikukumpara sa paglago ng Facebook at Twitter na kinailangan ng tatlong taon para maabot ang ganitong estado.


Alam ng marami na nasa listahang Top 10 tayo sa mga bansa na pinakamaraming gumagamit ng Facebook sa buong mundo. Ngunit sa Google+, ang India ang kitang-kitang nangunguna sa mga Third-World na bansa, at sila ang may pangalawang pinakamaraming gumagamit ng Google+ sa ngayon.




















Ang aking pangunahing katanungan ay ito: hindi ba nararapat lang na layunin nating mga Pilipino na masali din sa Top 10 na bansang gumagamit ng Google+? 


Ano kaya ang pumipigil sa atin para maabot ito? Dahil ba may-kapit sa atin ang Yahoo at mas malakas ang Yahoo Search, Yahoo Mail at YM, kung ikukumpara sa katapat na produkto ng Google sa bansang ito? Dahil ba nahihirapan tayo sa konsepto ng Circles kung ikukumpara sa Friends sa Facebook? Dahil ba mas mahilig tayo mag-Like, tulad ni Lola Techie, at nalilito tayo sa +1?


Bakit? Bakit?




Lola Techie, paki-explain nga po:

NuffNang Breaks

Spread the word!