Friday, August 5, 2011

PasikBlogan #5: Ang Karangalan ng Pilipinas sa Social Media

PasikBlogan Challenge #5: A Different Tongue

Blog in a language/dialect that you typically don't blog in.
If you typically blog in English, now blog in Filipino (or your own dialect). Kung karaniwan kang mag-blog sa Filipino, gumamit ka ng Ingles o Cebuano.

Naawatam? Quamo mi paqueman? Anggapo la. Jaaaavid! ;-)



-----------------------------------------------------


Pinili kong mag-blog tungkol sa pasksang ito dahil sa kanyang pagka-angkop sa itinakdang madlang babasa nito.


Simula nang nailabas ang Google+ ng higit kumulang na ilang linggong nakaraan, ang paglago nito sa 24 milyong gumagamit sa buong mundo ay isang di pangkaraniwang pangyayari, lalo na't kung ikukumpara sa paglago ng Facebook at Twitter na kinailangan ng tatlong taon para maabot ang ganitong estado.


Alam ng marami na nasa listahang Top 10 tayo sa mga bansa na pinakamaraming gumagamit ng Facebook sa buong mundo. Ngunit sa Google+, ang India ang kitang-kitang nangunguna sa mga Third-World na bansa, at sila ang may pangalawang pinakamaraming gumagamit ng Google+ sa ngayon.




















Ang aking pangunahing katanungan ay ito: hindi ba nararapat lang na layunin nating mga Pilipino na masali din sa Top 10 na bansang gumagamit ng Google+? 


Ano kaya ang pumipigil sa atin para maabot ito? Dahil ba may-kapit sa atin ang Yahoo at mas malakas ang Yahoo Search, Yahoo Mail at YM, kung ikukumpara sa katapat na produkto ng Google sa bansang ito? Dahil ba nahihirapan tayo sa konsepto ng Circles kung ikukumpara sa Friends sa Facebook? Dahil ba mas mahilig tayo mag-Like, tulad ni Lola Techie, at nalilito tayo sa +1?


Bakit? Bakit?




Lola Techie, paki-explain nga po:

6 comments:

  1. Hindi ko maitubili na mabagal ang pagpasok ng mga Pilipino sa Google+ dahil matindi na ang paggamit nila ng Facebook sa kanilang araw-araw na gawain. Hangga't hindi nakikita o nadadama ng mga tao na may higit pang mas mahalaga o importanteng pagbabago ang maidudulot ng Google+ sa kanilang buhay-internet, malamang hindi-hindi sila lilipat dito.

    Haka-haka ko lamang ito, at hindi ko maipruweba ang aking pagbabahagi sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga istatistiko.

    ReplyDelete
  2. baka mas techie ang mga Indians? baka mas importante sa mga pinoy ang social aspect kesa technology? mas madami kasi tsismis, group/page na nakaka-relate ang mga tao, mas madami status na kahit nakaka-inis babasahin pa rin. mga kilala ko lang na nasa technology development ang nasa circles ko, yung hindi techie di nila alam ang google+.

    ReplyDelete
  3. Christian Louboutin
    If you want to find the most suitable shoes for yourself, the only way is trying. Christian Louboutin shoes can supply you all kinds of shoes. Like sneakers shoes, Christian Louboutin high heels and other styles shoes and so on. As long as you try to put on them, you always can find what you want to have.

    ReplyDelete
  4. Great post. You have given me a good reading today. Salamat.

    ReplyDelete

NuffNang Breaks

Spread the word!